Tuesday, October 20, 2020
Literary Section

Bigla Kang Nawala

Isinulat ni John Edward Castro
(Spoken Word Poetry)

Tayo ay masaya walang iniisip na problema, hindi nababahala na ika’y mawala.

Masaya lang tayong nagiibigan dalawa, na walang iniisip na iba kuntento na tayo sa isa’t isa.

Ayaw na nating may dumating pa, magkawak ang ating mga kamay tapos magyayakap sabay maglalapat ang labi nating dalawa habang iniisip na hanggang sa altar makakasama kita.

Pero may hadlang pala sa ating pagiibigan yan ay ang iyong mga magulang,
pero ito ay ating ipinaglaban ngunit ikaw ay ipinadala sa ibang lugar para doon na manirahan.

Magkabilang mundo na ang ating ginagalawan hindi na kita nakakasama sa galaan at hindi na rin kita nayayakap tulad nung nakaraan at ako ngayo’y lumuluha na hindi alam kung pano tumahan.

Dahil lagi kitang naalala at ikaw ang laman ng aking isipan,
hindi ko rin alam kung saan ka matatagpuan umaasa nalang ako ay iyong balikan.

Lumipas ang ilang buwan tayo ay nagkita nanaman kung saan tayo huling nagkita at nagyakapan at ngayon ikaw ay nasa aking harapan ngunit para akong natabunan ng dahil sa aking nalaman, na ikaw ay may sakit na hindi na maaagapan.

Akala ko magulang mo lang ang hadlang pati rin pala sakit na iyong nararamdaman, akala ko bubuo tayo ng panibagong yugto ngunit magtatapos na pala tayo dito.

Mahirap tanggapin na ikaw ay mawawala rin sa aking piling pagkatapos kita hintayin, ngunit ikaw ay nakasama ko sa isang panaginip tayong dalawa ulit ay masaya na walang iniinda hawak ko ang kamay mo habang naglalakbay tayong dalawa.

Niyakap kita ng mahigpit at pilit kong hindi ipikit,
ang aking mga mata para mapigilan kita kung sakaling aalis ka.

Hindi ko tinanggal sa pagkakapit ang kamay ko sayo at ganun din ang ginawa mo hindi ka umalis sa bisig ko, subalit unti unti kang naglalaho sa paningin ko.

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *