Tuesday, October 20, 2020
Literary Section

Kabataan Ngayon

Isinulat ni Shiena Mae Villanueva

Andito na naman, ang babaeng kakatok
Kakatok sa mga isip at pusong nabubulok.
Bakit nga ba nabubulok?
Kasi wala nang salita, na sa loob pumapasok.

Alam kong lahat tayo’y may karapatan
Karapatang magsalita at magpahayag ng dahilan.
Dahilan na gawin, ang naisip natin na pagkaabalahan
Na akala natin, maituring na tama sa lipunan.

Anu nga ba ang punto ng tulang ito?
Gusto nyo ba malaman ang nilalaman nito ?
Ihanda ang isip at sana’y iyong isapuso
Dahil alam kong may mapupulot kayo rito.

Kabataan ngayon hindi na maintindihan
Ginagawa nila, yung akala nila may magandang kahahantungan.
Hindi nakikinigbsa mga payo ng mga magulang
“Buhay koto”, yan ang lagi kanilang dahilan.

Binibigyan mo ng dahilan ang lahat ng bagay
Yung akala mong alam muna ang salitang BUHAY.
Ang lakas ng kumpyansa mo aa lahat ng bagay
Yung tipong akala mo may ganda kang tinataglay.

Nagbubulakbol sa tuwing pumapasok sa paaralan
Sumasama sa mga tinuturing mong kaibigan.
Yung nagtuturo sayo paano uminom at sumugal
Yung nagsasabi sayo na “tara inom lang yan ang kulang”.

Dumating ang oras na ika’y nalulong na sa bisyo
Alak, sugal pati na sigarilyo
Ang ganda ng pakiramdam sapagkat nagkaroon ka ng kalayaan sa mundo
Hindi mo na naiisip ang mga taong nagpapahalaga sayo?

Ngunit dumating ang araw ng ika’y nadapa
Nagulat ka at umiyak ka bigla.
Nakita mo ang mga taong tinitingnan ka
Nakatitig sayo habang mata nila’y lumuluha.

Doon mo nakita ang yung kakulangan
Bigla mo nalang naisip ang yung pamilya at kaibigan.
Umiiyak ka, at nag tatanong bakit mo nilisan?
Inaksaya ang mga bagay, na sana pinahalagahan.

Ngunit hindi pa naman huli ang lahat
May pagkakataon pa para maging tapat.
Lisanin ang mga bagay na wala namang magandang dinapat.

Sa mga salitang iyo’y nabibitawan
Magulang at kaibigan lahat sila nasasaktan.
Kaya sana, buhay mo iyong iingatan
Pangarap mo sana iyong pahalagahan.

Kaya bago ko ito tuluyang wakasan
Sana may mapupulot kayong aral.
Hindi pa huli ang lahat kaibigan
Bumangon ka at buhay pahalagahan .

Alam kong hindi madali ang magbago
Ngunit walang imposible sa ating mundo.
Magdasal at tahakin ang magandang mundo,
Langhapin ang bagong pag-asang ibinigay sayo.

Labanan natin ang bawat tukso
Huwag basta sumusuko.
Kaya mo, oo, tiyak na makakaya mo
Tara, pilitin nating magbago

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *