Tuesday, October 20, 2020
Literary Section Tagalog Bulletin

Lilipad din ako

Paano ako makakalipad ng malayo
Kung bali na ang isang pakpak ko
Hangad kong sumabay sa paglipad mo
Pero sa panaginip ko na lamang siguro

Oo, lilipad at lilipad pa rin ako
Ngunit di kasing taas ng lipad mo
Nais ko sanang subukan na sumabay sayo
Pero baka sa kalagitnaan, ako rin ay hihinto

Gusto kong subukan ngunit natatakot ako
Baka hindi ko kayanin hanggang dulo
At kapwa masaktan lang tayo
Sana maunawaan mo

Hindi ako makakasabay sa paglipad mo
Ngunit lumingon ka, andoon lang ako
Maaaninaw mo sa bandang malayo
Pilit lumilipad sa abot ng makakaya ko.

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *