Tuesday, October 20, 2020
Literary Section

Pagbigti

Isinulat ni Shiena Mae Villanueva

Bago ko ito ipahayag at sisimulan
Itong aking tula na sa inyo ko ilalaan
Gusto ko hingiin atensyon ng mga kabataan,
Kaya sana, inyo itong pakinggan.

Maraming kabataan na puno ng problema
Yung tipong sila, ang pinaka masama.
Sila ang kawawa, at binaliwala ,
Iniwan, sinaktan at pinaasa .

Laging umiiyak, matang walang tigil na lumuluha,
Mga hikbi na sa tuwing gabi, yan lng ang naalala.
Yung sakit na laging nasa utak, at puso na lumalabas sa mata,
Dagdag pa,walang oras kanilang mga pamilya.

Ngunit bakit ba natin, sinasagi yan sa ating isipan,
Di mo ba nakikita, at nararamdaman ?
Di mo ba naisip, na hindi lng ikaw ang gumaganyan?
Marami,maraming taong kinakaya ang kanilang kalagayan.

Yung iba,cancer ang sakit, at buhay nila papalapit,
Ngunit kinakaya nila, at mas pinipilit.
Nang sa ganun,pamilya,kaibigan kanilang mayakap nang mahigpit,
Kaya sinu ka ? Sinu ka para mag kait .
Magkait ng isang pag asa, sa bawat nararamdaman mong sakit .

Ofw ,sila din isa sa nakakaranas ng sakit at problema,
Sakit na di nila makita, at makasama kanilang pamilya.
Dinadaan sa tsokolate ,at mga gamit na magaganda,
Kahit na kapalit nito’y, kanilang buhay at pamilya.

Kaya pag bigti nalang, kanilang naiisip na solusyon,
Na akala nila,yan ang tanging makakahilom.
Makakahilom, sa puso nila’y sakit nakabaon,
Makapawi ng kanilang problema, at yan ang solusyon.

Kaya nais ko malaman,ng lahat ng kabataan ngayon,
Na nakakaranas, ng iba’t ibang depresyon .
Wag natin sukuan, ang buhay natin ngayon,
Kasi lahat ng problema,sakit ,yan ang magbibigay at mag bubuo ng sarili natin, sa tamang panahon.

Mag dasal, at mag tiwala ka lng sa kanya,
Lahat ng yan, mapapawi rin at mawawala.
Mahalin ang sarili ,alagaan at ipakita,
Isigaw mo na ikaw,ay isang matibay at puno ng pag asa.

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *