Tuesday, October 20, 2020
Literary Section

Tapos Na

Isinulat ni April Joi Daroy

Gigising sa umaga
Malungkot ang damdamin
Bagkus mata’y maga
Pilit ngingiti sa harap ng salamin

Ganyan sa araw araw
Ganyan din sa gabi
Matang mapanglaw
Maputlang labi

Hindi halata
Walang may alam
Kahit malata
At ang puso’y malamlam

Pilit bumabangon
Pagkat gusto rin
Tila lunod, na kay hirap umahon
Subalit kailangan na lumangoy pa rin.

Isang araw ako’y nagising
Na di alam ang aking gagawin
Naglalakad na parang lasing
Tinatanaw ang paligid upang sarili’y aliwin

Suot ang panakip mukha
Upang malayo sa anumang sakit
Na di lamang sa pandemya makukuha
Ngunit sa katotohanang pilit ipinipikit

Saan nga ba ako patungo?
Dito ba o doon?
Paano na ang pangarap na aking binuo?
Kung sa aking aralin ay para akong nilalamon?

Hanggang makita ko ang kasagutan
Ng makasalubong ko siya
Binigyan nya ako ng sagot para malusutan
Ang problemang pilit kong pinapatay malisya

Sa katauhan niya aking nakita ang pag-asang dala
Sinambit niya sa akin na matatapos ito kung iyon ay aking gagawin
Nagkaroon ng sigla sa aking puso kahit ako’y may pag-aalala
Ang kanyang tinuran ay aking susundin.

Matatapos kaya ito kung tatalon ako mula dito?
Mga tanong sa aking isipan na pilit kong winawaksi

Ngunit wala akong dapat aksayahin na oras
Sinubukan kong tumayo at magisip
Sa lugar na akala mo ay talampas
Lumapit ako sa dulo kahit puso’y sumisikip

Hanggang dito nalang.
Tatapusin ko na.
Ipinikit ko na ang matang
nahihirapan na.

Ngunit bigla kong naalala
Ang aking nabasa
Buhay ng isang maya ay mahalaga,
Sa halaga maya, buhay ko ba ay maikukumpara?

Tatapusin ko na ang pag-iisip ng di maganda
Sa bagong umaga ako ay magpapasimula

Taglay ang puso na puno ng pag-asa.

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *