Tuesday, October 20, 2020
Tagalog Bulletin

Wala bang saysay ang lahat?

Did I gave everything up for nothing?

Iniwan ko ang lahat!

Kaibigan, pamilya, lupang kinagisnan, mga ala ala.

Dinaig ko ang lahat!

Trabaho lang, walang bisyo, walang gala.

Panaghoy ng aking puso ay bayang sinilangan

Kung saan ako huling humalakhak at naging tunay sa sarili

Kailan kaya maka-uuwi, kailan kaya muling masisilayan

Kailan nga kaya, kailan kaya muli?

Lumipas ang panahon, at tila ako’y nakalimot

Nawaglit sa isipan kong umuwi, marahil dahil na din sa takot

Takot na walang naipundar, Takot na wala akong napala

Takot na walang matapos at maging puro lamang salita

Ngunit ngayon ay walang magawa

Gustuhin mang umuwi ay hindi kaya

Nakakulong sa isang kwarto, ubo ko’y tila hindi mawala

Hirap na sa pag-hinga, Hirap pa sa pandemya

Gumaling matapos ang halos dalawang buwan

Laki nang pagbabago sa aking katawan

Nangayayat at enerhiya’y tila nawawalan

Ngunit mas malaking pagbabago ang aking nagisnan

Lahat ng tao’y naka maskara

Lahat ng tao’y di ko na makilala

Ngunit teka, walang tao… wala ako masyadong taong makita

Naasan sila lahat? Saan ko sila makikita?

Isang tawag mula sa pamilya ay aking natanggap

naghahalong kaba, takot, at saya

Ilang buwan ang nakalipas kumusta na ba sila?

Nawalan ako nang trabaho pero okay lang ako
kayo ba ayos lang kayo diyan?

“Kuya, si nanay nasa ospital.”

Hindi makauwi, walang mapadala

Dila’y tila naputol, salita’y na uutal

Parang mundo ay maglalaho at hindi nakapagsalita

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *